Lapit mga kaibigan at makinig kayo
akoy may dala dalang balita galing sa bayan ko
nais ko ipamahagi ang mga kwento
at mga pangyayaring nagaganap sa lupang pinangako.

Ako ay Filipino sa isip at sa gawa
Matrikulangunit bakit mga pinuno puro lamang salita
isang gobyerno nakayang sikmurahing at magtawa
na may mga pamilyang kumakaing na
kulang sa dalawang beses sa isang araw
minsan wala ngang panglugaw
bakit ganito kababaw ang isang pagkaing nilangaw
ang dadamputin at kakainin ng batang gutom
alam ba ng mga husgado at lahat ng hukom

Na meron mas masahol pa sa hatol ng kamatayan
yan ay ikaw ay maging mahirap sa sariling mong bayan
mga bata na ang dapat ginagawa’y maglaro
bagkus ay agos ng pawis at magbanat ng buto
upang kumita ng ilang pirasong pisong madungis
kalyo sa kamay at paa namanhid sa matulis
hindi manika ang hawak ng kanyang mumunting braso
bagkus isang taong gulang na kapatid at may baso sa harapan

Ako Si..Na nagbabakasali lagyan baryang pambili ng tinapay na panlaman sa tyan
mga pinuno bago mamatay at magkasakit
sa sarap ng buhay sakin kayo ay makinig..

Duol mga kaigsuunan Ugpami naw kamo
Duna koy dala ang mga balita dikan sa banwa ko
Gusto ko nga-i pahibalo ang mga istorya na naga-kahigtago
sa banwa isanato

Lapit mga kaibigan at makinig kayo
akoy may dala dalang balita galing sa bayan ko
nais ko ipamahagi ang mga kwento at mga pangyayaring nagaganap
sa lupang pinangako.

Mga bakal na dumudura ng apoy at ng tingga
tangan tangan at balot ng kausutang pangdigma
bakit di mapagtugma ang mayaman at dukha
sa pananaw ang kapalit ay hapis at pagluluksa

Diplomapare-pareho sundalo muslim man o kristyano
ilan man ang masawi di mo alam sinong panalo
walang panalo dahil sa huli tayo ay talo
pinoy ang nasa loob ng ataol na sinarado

yan ba ang talaga ang sumpa dito sa lupang pinangako
respeto’t pagmamahalan ay pilit na tinatago
lawin hindi makadapo may pakpak na limitado
at nakakulong sa seldang may walang susing kandado

kelan kaya matatapos ang pag-agos ng dugo at ang
kapayapaan ay mahawakan ng buong buo yan ba ang
kwento o tanong na pilit na humahawi sa bawat taong
bahagi ng watawat na inaapi.

Duol mga kaigsuunan Ugpami naw kamo
Duna koy dala ang mga balita dikan sa banwa ko
In the Mist of SmokeGusto ko nga-i pahibalo ang mga istorya na naga-kahigtago
sa banwa isanato

Lapit mga kaibigan at makinig kayo
akoy may dala dalang balita galing sa bayan ko
nais ko ipamahagi ang mga kwento at mga pangyayaring nagaganap
sa lupang pinangako.

Lapit mga kaibigan at makinig kayo





4 Responses to “Gloc 9 and Gabby Alipe – Balita Lyrics”

  1. Cool Says:

    very good gloc 9 great news to disturb those politician

  2. caged_lins_neji Says:

    astig gloc9 and urbandub…
    pangsapak s mga walang hiyang politiko…
    sana me kasunod pa ito….
    astig…..

  3. Cool Says:

    Tingin ko may susunod pang album si gloc na may mas malalim pa na kahulugan at talagang tatamaan ang dapat tamaan.

    kase tagalog na tagalog na nga yan eh, imposibleng hindi pa nila maintindihan.

  4. boni11 Says:

    galing mu tlaga kung meron mn mali sa cnabi mu isa lng un filpino tau..

Leave a Reply



Disclaimer:

The site, Shareolyrics.com, does not stream audio, videos or host content of any kind. The audio you listen to and videos you watch are hosted and shown from audio / video streaming websites. Any audio or video hosted or shown on third-party websites have passed their own stringent internal vetting procedures and as such are assumed as fully authorized for publication by the content owners. This site is not responsible for content of external internet websites and is not responsible for the availability of such third-party websites. The content of such third-party websites is beyond our control. This site DOES NOT CLAIM any OWNERSHIP or COPYRIGHT on ALL the audio, lyrics or videos shared.