Gloc 9 – Sirena Lyrics
Artist: Gloc 9Video of Gloc 9 – Sirena
Chorus:
Ako’y isang Sirena
Kahit anung sabihin nila
Ako ay ubod ng Ganda
Ako’y isang Sirena
Kahit anong gawin nila
Bandera ko’y di tutumba
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalaking mga braso, saki’y dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga sakin kayo ay bibilib
1st Verse:
Simula pa nang bata pa ako
Halata mo na kapag naglalaro
Kaya parang lahat ay nalilito
Magaling sa Chinese garter at piko
Mga labi ko’y pulang-pula
Sa bubblegum na sinapa
Palakad-lakad sa harapan ng salamin
Sinasabi sa sarili anong panama nila,
Habang kumekembot ang bewang
Mga hikaw na gumegewang
Gamit ang pulbos na binili kay aling bebang
Upang matakpan ang mga pasa sa mukha
Na galing sa aking ama na tila di natutuwa
Sa tuwing ako’y nasisilayan, laging nalalatayan
Na imbis na tumigas ay tila lalong lumambot
Ang puso kong mapagmahal para pilik matang kulot
Chorus:
Ako’y isang Sirena
Kahit anung sabihin nila
Ako ay ubod ng Ganda
Ako’y isang Sirena
Kahit anong gawin nila
Bandera ko’y di tutumba
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalaking mga braso, saki’y dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga sakin kayo ay bibilib
2nd Verse:
Hanggang sa naging binata na akom
Teka muna mali dalaga na pala to
Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin
Ano bang mga problema nyo?
Dahil ba ang mga kilos ko’y iba
Sa dapat makita ng inyong mata
Sa tuwing nanunuod ng liga laging na tutulala
Kahit di pumasok ang bola ako’y tuwang-tuwa
Kahit de kalyo na sa tapang
Kase ganin na lamang
Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang
Tama na naman ita’y di na po ako pasaway
Di ko na po isusuot ang lumang saya ni ina’y
Kapag ako’y na-iiyak ay sumusugod sa ambon
Iniisip ko na lamang na baka ako’y ampon
Kase araw-araw na lamang ay walang humpay na banat
Ang inaabot ng ganda kong pang ilalim ng dagat.
Chorus:
Ako’y isang Sirena
Kahit anung sabihin nila
Ako ay ubod ng Ganda
Ako’y isang Sirena
Kahit anong gawin nila
Bandera ko’y di tutumba
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalaking mga braso, saki’y dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga sakin kayo ay bibilib
Last Verse:
Lumipas ang mga taon na nagsipag-asawa
Aking mga kapatid lahat sila’y sumama
Nagpakalayo-layo ni hindi makabisita
Kakain na po ita’y nakahanda na’ng lamesita
Akay-akay sa paglakad paisa-isang hakbang
Ngayo’y buto’t balat ang dating matipunong katawan
Kaya sayong kaarawan susubukan kong palitan
Ang lungkot na nadarama, wag na po nating balikan
Kahit medyo naiinis, hindi dahil sa nagkacancer
Kase dahil ang tagapag-alaga mo’y nakadaster
Isang gabi ako’y iyong tinawag, lumapit
Ako sayong tabo ako’y timangan, kumapit
Ka sa aking kamay kahit hirap magsalita
Anak patawad sana sa lahat ng aking nagawa
Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha
Dahil kung minsan mas lalake pa sa lalake ang bakla
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalaking mga braso, saki’y dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga sakin kayo ay bibilib
Ako’y isang Sirena
Kahit anong gawin nila
Bandera ko’y di tutumba
- » Gloc 9 - Dapat Tama Lyrics
- » Gloc 9 - Salarin Lyrics
- » Gloc 9 - Alalay Ng Hari Lyrics
- » Gloc 9 - Silup Lyrics
- » Gloc 9 - Hindi Mo Nadinig Lyrics
- » Gloc 9 - Bakit Hindi Lyrics
- » Gloc 9 - Apatnapungbara Lyrics
- » Gloc 9 - Thankful Lyrics
- » Gloc 9 f.t Chito Miranda - Pison Lyrics
- » Gloc 9 - Hari ng Tondo Lyrics
September 5th, 2012 at 6:12 am
ang ganda ng kanta naaalala ko ang mga kaibigan ko
September 8th, 2012 at 2:37 am
galing talaga ni gloc9 .. nyc ng mensahe.. nakaka cry…;( …
September 24th, 2012 at 11:25 am
Tanong lang po kung type po error ung verse 1 ung Lyrics na “LAGI koy pulang pula”? “LABI” po ba yon o “LAGI”? tnx po! kinakabisado ko po kasi eh!
pero astig parin ang mga kanta ng gloc 9 ung mga lyrics may kabuluhan. coolll ^_^
September 26th, 2012 at 4:16 am
ok na
September 29th, 2012 at 1:44 pm
wow ang ganda kaso ang haba-haba naman oero okey lang nakaka-aliw naman sana madaming magustohan ang kantang ito totoo kaya ang sirena by jamna v. esguerra
October 12th, 2012 at 2:07 pm
wOw ang ganda naman ng kantang to favorite ko na nga to agd malapit ko na makabisado
October 18th, 2012 at 9:02 am
ganda ng song….inspiring tlaga para sa mga gay
October 22nd, 2012 at 12:08 am
angn galing galing
November 7th, 2012 at 12:43 pm
WOW GALING SANAPAHABAIN
November 8th, 2012 at 12:59 pm
Hahaha naks tlaga